Friday, June 5, 2009

MGA TANONG KO SA SARILI KO

Kelan kaya gigising ang karamihan sa ating mga pilipino? Kelan kaya natin pahahalagahan ang lahat ng bagay na nasa paligid natin? Kelan kaya magiging disiplinado ang bawat isa at uumpisahan na isipin ang iba bago ang sariling kapakanan? Kelan nga kaya?

San man ako magpunta mababakas ang pagbabago dahil sa urbanisasyon. Basta may kalsada asahan mong may mga nakatayong bahay o gusali sa paligid. Kung hindi man, ginawa ng palayan o taniman ang malalawak na lupain. Para sa kabutihan nga ba natin ang lahat ng ginagawa nating pagbabago sa kapaligiran natin?

Pinutol ang puno, nagtanim ng bago.......naisip ba natin kung ano ang pinutol natin at ano ang itinanim natin? Inisip ba natin kung san natin itinanim at ang epekto nito sa tao, sa mga hayop o insecto at sa ating kapaligiran? Bago natin gawin ang isang bagay, naisip ba natin kung magdudulot ito ng kabutihan o ikasasama lamang?...........Kulang nga ba tayo sa pagpaplano? Kulang ba tayo sa dedikasyon? Kulang ba tayo sa implementasyon? Saan ba tayo nagkukulang?

Sa mga nagbasa ng sulat kong ito, may ginagawa ka ba kabayan? San mo itatapon ang upos ng sigarilyo o ang plastic mula sa candy pag nasa loob ka ng sasakyan, sa bulsa mo ba o sa kalsada?

0 comments:

Post a Comment