Sunday, January 30, 2011

ATTENTION TO ALL READERS:

It's been quite a while now since I've last posted. Certain issues regarding identification of species, bio-piracy or bio-prospecting, patent, hybridization and royalty from hybridized varieties, indiscriminate collection of native species in the wild either for export or for the local ornamental plant species trade has made me very weary of the fact that what I put out here in my blog can be detrimental to the last populations of our very own Philippine flora. I am aware that the rapid loss of forest habitat here in my country is adding stress to species extinction. The last thing on my mind is to add injury to insult.

What do you think should I do? I would like to hear from your comments and suggestions.

6 comments:

  1. Hello -- I'm just a lurker, but I love your blog. I think it's an amazing resource and your passion really shines through in all your posts. What happened, why do you say your blog can be used to harm Philippine flora? Have collectors or bioprospectors been using it to target rare species???

    ReplyDelete
  2. Anonymous,

    Salamat sa pagtangkilik at pag-bisita dito. Nasasabi ko ang mga saloobin kong ito sapagkat nababasa at naririnig ko sa aking pagtuklas na ang mga natural na yaman ng ating bansa tulad ng iba pang mga bansang "third world" ang siyang ginagamit ng ibang mauunlad na bansa upang makakalap ng mga bagong uri ng sangkap na pang medikal o pang komersyal na maari nilang ariin at pagkakitaan para sa kanilang pansariling ikauunlad lamang.

    Maging sa ating mga halamang ornamental na siyang nauubos na sa kagubatan tulad lamang sa isa sa pinaka-magandang dapo sa buong mundo na kilala sa pangalang waling-waling ay nasasaid na marahil sa natural nitong pinagtutubuan dahil sa labis na pangongolekta para sa mga pribadong koleksyon na pang lokal o pang dayuhan o di kaya para ito ay gamitin upang gumawa ng mga panibagong uri ng mga halaman na kanila naman ipa-patente para walang iba na makakagawa o makikinabang.

    Ang ilan sa ating mga kababayan na desperado upang kumita lamang at hindi iniintindi ang resulta ng kanilang mga desisyon ay makikinabang lamang sa panandaliang salapi na makakalap, pero ang nagdudusa ay ang buong bayan at kasama na dito ang natural na yaman ng bansa na malapit na maglaho o di kaya'y nababoy na!

    Nagugulumihanan na rin ang aking pag-iisip sa pag pangalan ng mga natutuklas kong mga halaman at puno sa aking pagiikot sa mga lugar na gubat o magubat, sapagkat kadalasa'y nahalo na ang mga dayuhang halaman o puno at nakapag-parami na sarili. Bagamat di ako dalubhasa sa larangan ng paghahalaman, labis kong pinag-aalala na magsanib ang lahi ng mga dayuhang halaman sa ating katutubong mga halaman lalo na sa ating mga kagubatan, kung kaya't di talaga ako sang-ayon sa pag halo ng dalawang katutubong halaman upang maging mestizo.

    Gulong-gulo na rin ako sa pag pangalan ng ilang mga halaman kung ito ay katutubo o dayuhan sa ating bansa, dahil ang ilan sa mga kakaramput na dapat ay dalubhasang texto maging sa libro o dito sa internet ay hindi nagtutugma ng sinasabi.

    Hindi ko ikinakaila na malaking bahagi ng mga nagbabasa sa mga isinusulat ko dito ay mga Pilipino, ngunit 'di maaaring balewalain ang bilang ng mga dayuhan na pumaparito at siya ring nagbabasa. Dalawang dayuhan na na naninirahan sa ibang bansa ang nagbigay ng kanilang saloobin na sila ay naghahanap ng mga buto o halaman ng "ganito o ganoon" upang ipasok sa kanilang bansa. Ganoon kadali siguro kung sasang-ayunan ko sila at nanaisin kong kumita, ngunit tinangihan ko ang kahilingan nila at sinikap na ipaliwanag ng maayos upang maiwasan ang pag laganap ng mga nakikinita kong mga problema sa pangkasalukuyan at panghinaharap.

    Kung kaya't limitado lamang ang aking naisusulat dito. Marahil ay mas nanaisin ko pang manahimik na lamang kung minsan. Ewan ko, bahala na siguro kung ano ang kahihinatnan o kelan na lang ako makakapag-sulat muli. Ang alam ko lang ay patuloy pa rin siguro ako magtatanim ng ating mga katutubong puno at halaman, para may matira sa ating hinaharap.

    ReplyDelete
  3. I believe you should forge on and continue blogging about Philippine flora. Knowledge is still the best defense against environmental destruction.

    ReplyDelete
  4. Hi, Blogie! Thank you for your words of encouragement. I will take your advice into consideration........ Actually, I have posted a few blogs already.

    I hope it inspires and enlighten others to be more concerned about our country, especially our endangered flora and fauna.

    I know that you and I share similar sentiments with regards to our homeland. Kudos to you!

    ReplyDelete
  5. I am with you in being protective of our natural resources. Somehow, exposing them might be dangerous to bioprospectors because we dont have much money to fund research and digging on the active ingredients which might be useful. Many indigenous and endemic species really have these properties and i am sure a lot of pharmaceuticals and neutraceutical companies eye them. There are experiences in the IPR world which shows these things; e.g. basmati rice, neem tree, African plant (forgot now name). US companies patented them and were revoked only because the country of origin spent much in suing the infringing country. Because we dont have the capacity to sue them or run for them, we will be the loosers. Do you know that the only yew tree in the Mountain province is already gone now due to poachers! I came accross the strategy of Malaysia in guarding their endemics. They have a very good program and model for it.

    ReplyDelete
  6. Andrea, alam ko kung ano ang puno ng "yew" at kung ano pa ang maaari nitong gamit. May ilang uri nito na naitala sa libro ni Rojo na Lexicon na mayroon dito matatagpuan sa ating bansa. Dahil dito, hindi ko gamay ang uri ng puno na iyong tinutukoy na nasaid na ng mga illegal na nangongolekta na iyong nabangit. Paano mo nasabi na ubos na ang uri ng puno nito sa lugar na iyong nalalaman?

    Maaari mo bang ibahagi dito kung paano pinoprotektahan ng bansang Malaysia ang kanilang mga puno't hayop? Mahalaga na ating matukoy at matutunan ang magandang pamamaraan ng pag protekta nito upang mapanatili natin at ng ating mga kababayan ang natitirang yaman ng ating bansa.

    Maaari mo i-link dito kung iyong naibahagi na sa iyong blog.

    Salamat!

    ReplyDelete