Saan ka man magpunta sa mundo may makikita kang basura. Basta may tao sigurado may basura nakakalat man o nakatago. Sadyang parte ba ng buhay natin ang basura? Kahit sa gitna ng dagat makakakita ka pa rin ng basura gaya ng plastic. Alam mo kung bakit kahit malayo may basura pa rin? Dahil ito sa mga pasahero ng mga ferry boat na nagtatapon kahit saan. Dahil ito sa basura na inagos ng dagat mula sa mga isla kung san may tao. Pati ang hangin natin ay napapalibutan ng basura. Pollution naman ang tawag dito mula sa mga sasakyan at factory na bumubuga ng masamang usok sa ating kalawakan.
Ang mga Pilipino, notorius din sa pagtatapon ng basura. Hindi natin inaalintana ang masamang epekto nito sa ating kapaligiran. Sadya ba tayo nabubulagan sa ating mga pansariling kapakanan o dala lang ito ng kakulangan ng kaalaman sa waste management o di naman kaya sanhi na rin ito ng mabilis na modernisasyon sa ating bansa pati na rin sa ibang bansa. Ang linis-linis natin pagdating sa ating mga katawan at sa ating sariling mga bahay, pero "tapon dito tapon doon" naman ang ating ginagawa. Bakit naman ganoon? ........... Naguumapaw na ang mga basura natin sa mga dumpsite, wala pa rin tayong pakialam.
Malimit ako mapadaan sa mga barrio sa may Laguna at napansin ko na kadalasan ay ginagawang tapunan ng basura ay mga lugar na malapit sa daluyan ng tubig gaya ng ilog, sa masukal at mapunong mga lugar o di kaya sa di kalayuan kung saan may mga bahay. Kung walang dadaan na truk ng basura at mga basurero, dapat ba natin ito isawalang-bahala na lamang sa ating kapaligiran?

Narinig n'yo na ba ang mga salitang recycling, composting, vermi-composting or vermiculture, septic tank, integrated farming o permaculture? Iilan lamang ito sa mga pamamaraan na sumasakop sa tamang waste management. Kung ang bawat isa sa atin ay gumagawa nito, mahigit sa kalahating pursiyento ng ating basura ay napakinabangan natin at hindi na dadagdag sa itatapon sa ating kapaligiran.
No comments:
Post a Comment