Narinig n'yo na ba ang pangalan na Ipil at Ipil-ipil? Dalawang magkaiba na puno kasi ang nauna ay orihinal na tumutubo dito sa ating bansa at ang pangalawang nabangit ay nangaling sa ibang bansa. Oo nga at parehas silang "legume or leguminous", parehas silang matibay at matigas na kahoy, may nakukuha na dilaw at kayumanggi na tina sa nauna samantalang pula naman na tina sa sumunod, parehas na puno ay mayroong mga sangkap na may abilidad makapang-gamot, matibay at hiyang ang dalawa sa mainit at tuyong lugar at masisipag naman mamunga kaya marami din na buto na makukuha para ipangtanim muli.
Bagamat maraming katangian na magkatulad ang dalawang klase ng puno, mas pipiliin ko pa rin ang Ipil keysa sa Ipil-ipil dahil ang Ipil, bukod sa mas magandang puno at may mapulang kahoy na ginagawang kasangkapan sa bahay tulad ng mesa ay nangaling tunay sa ating bansa samantalang ang sumunod naman ay isang dayuhan. Kung ikaw ang papipiliin, sa tunay na Pinoy ka ba o sa dayuhan???
ipil-ipil photo right